
pangatlo ko nang revision ng post to. kaasar!!! di ko malaman kung ano gusto ko iblog. nahihirapan akong iconvey ang feelings ko ngayon..bakit ba kapag nasa bus ako saka ko naiisip lahat ng gusto ko iblog? bakit sa oras na humakbang na papasok ang mga paa ko sa opisina di ko na maibalik ang mga bagay na naiisip ko habang nasa byahe ako?
nakita ko yang picture na yan sa web, may kung anong kumurot sa puso ko.
parang naramdaman kong may kulang sa akin, para akong di na tao minsan.
nawala sa routine ko ang pagpapakita at pagpapadama na tao ako...
kailan na nga ba ako huling niyakap?
kailan na ba ako huling yumakap?
sino na nga ba ang huli kong niyakap?
sino na nga ba ang huling yumakap sa akin?
kailan na nga ba ako huling nakipag-holding hands?
kailan na yung huling beses na naisandal ko ang ulo ko sa balikat ng isang taong malapit sa akin?
kailan na ba yung huling pagkakataong binuksan ko ang puso ko sa iba?
kailan na ba yung huling pagkakataong may nakakita sa aking umiyak?
kailan na nga ba....
kailan kaya ulit....
emosyonal akong tao, nung highschool nga ako i feel like ive got so much love inside me and if i could just know someone whom i can share it with sobrang happy na siguro ako.
takot kasi ako sa rejection....
takot akong mauna magpakita ng emosyon sa iba kasi baka di lang ma-appreciate and much worst, baka di naman mareciprocate
nakakatawa kasi minsan sobrang mahal at mahalaga sa kin ang isang tao pero kahit katabi ko na sya or kasama napaka civil ko pa rin makitungo sa kanya
tsk..ang hirap pigilan ang emosyon, habang iniipit mo at tinatago lalong kumakawala at dagdag hirap pa ang pagiging babae ko, masyadong intune sa feelings at emosyon
kaya nga sa isang relasyon di ako makatagal siguro. kasi ako baliktad eh, habang tumatagal lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa isang tao, bawat araw lalo ko syang minamahal at natatakot akong sobra sa maaaring mangyari pag ganon kasi alam ko ang iba lalo na ang mga lalaki, habang lumilipas ang panahon, nagsasawa sila at ika nga eh "they fall out of love"
imaginin ko palang yung eksenang sobrang mahal ko na yung tao habang sya naman eh ayaw na sa skin, parang gusto ko nang mamatay sa sama ng loob.
i used to believe in soulmates and true love, pero sa tagal na ng pinaghintay ko at sa dami ng kabiguan na naranasan ko, minsan nagdududa na rin ako.
but still, the fact remains, malambing talaga ako, kailangan nga lang mabura muna sa isip ko ang takot sa rejection or makumbinse muna akong i wont get rejected bago ko maipakita ang lambing na yun.
No comments:
Post a Comment